
Subalit para sa mga distributor sa Metro Manila at Central Luzon ng isang kilalang banyagang kumpanya na gumagawa ng mga produktong pagkain tulad ng kape, tsokolate, gatas at iba pa, ang pagpasok ng bago nilang hepe ay tila magandang balita. Inaasahan kasi nila na ang bagong dating na presidente ng kumpanya ay hindi magiging tulad ng pinalitan nito. Pinalagay nila na matapos ang mahabang panahon, mabibigyan na ng multinational company ng kaukulang pansin at pagkilos ang kanilang mga lehitimong reklamo.
Kasi naman, milyun-milyong piso bawat distributor ang nawala sa kanila dahil sa pagmando ng Regional Sales Manager (RSM) ng kumpanya na sila’y magbigay ng sampu hanggang dose porsyentong diskwento sa isang wholesaler o tagabenta ng mga produkto sa mga supermarket at mga grocery.
Ang karaniwang patakaran sa mga diskwento ay apat na por syento lamang para may kikitain din ang mga distributor. Pumayag silang magbigay ng diskwentong sobra rito dahil sila’y pinangakuan ng RSM, sa pamamagitan na liham sa letterhead ng kumpanya, na ang multinational ang sasagot sa anim hanggang walong porsyentong pagkalugi nila.
Sa dagdag na diskwentong kanyang natanggap, malaki ang kinita ng pinaborang wholesaler dahil ang mga produktong nakuha niya ay kanyang ibinenta sa napakababang presyo sa Metro Manila. Sa ginawa niyang ito, umangal ang mga Metro Manila distributor dahil hindi nila kayang pantayan ang mababang presyong binigay ng pinaborang wholesaler sa mga supermarket at grocery. Nang sila’y umangal, sagot ng opisyal ng multinational, “Problema niyo na ‘yan.” Tikom-bibig na pilit lumaban sa pagbenta ang mga napagsabihang distributor pero talagang lugi sila.
At habang nagulumihanan ang mga Metro Manila distributor, nag-alboroto naman ang mga taga-Central Luzon. Dahil ni anino ng pangakong ibabalik na diskwento ay ‘di nila naaninag! At lalong sumabog ang kanilang butse nang ang mga tsekeng pinambayad sa kanila ng pinaborang wholesaler ay nagsitalbugan! Eto pa ... ang mga tseke ay nasa pangalan ng RSM! At nadiskubre nila na ang lalaking may-ari ng pinaborang wholesaler ay asawa pala ng RSM!
Habang nagtatago ngayon ang RSM, tinatantiyang ang pagkalugi ng mga distributor sa Metro Manila at Central Luzon (dahil sa kanyang ginawang panloloko) ay umaabot sa isang bilyong piso. Nawalan din ng trabaho ang daan-daang kawani ng mga distributor dahil sa kanilang pagkalugi.
Parang mga Poncio Pilato, todo hugas-kamay naman ang mga opisyal ng multinational company dahil wala raw silang kinalaman sa mga kagagawan ng kanilang RSM. Idemanda na lang daw nila ang ngayo’y ‘di na matagpuang babaeng executive. Kaya lahat ng mga naganap na usapan ng mga distributor sa noo’y presidente ng multinational ay walang pinatunguhan.
Pasok ngayon sa eksena ang bagong hepe na pumalit sa dating presidente na nabigyan ng assignment sa ibang bansa. Laking asa ng mga distributor na mas magiging maunawain ang bago nilang kausap. Maling-mali pala sila, dahil sa halip na umusad ang kaso patungo sa pagkakasundo, ang gusto ng bagong presidente ay bumalik sa simula, o back to zero ang mga usapan!
Hindi pala laging totoo na ‘pag may bagong hari, bagong ugali. Sa panig ng mga distributor, may bago silang katunggali. Para sa akin, dapat na nilang isumbong ang mutinational sa korte, baka sakali doon sa sala ng hukom ng kapwa-Pinoy ay mayroon silang makikitang katarungan na hindi nila makakamit sa kamay ng mga dayuhan.
***
It is expected that when a regime change happens, it is always for the better for all stakeholders, large or small. Apparently, in this case, the new guy is bringing in progress - for them only. WTF?!
Mr. New Leader, you have the golden opportunity to bring in the necessary positive changes, why haven't you done that? Your company is still denying accountability and responsibility in the happenings among your third party partners and your former workers. It may cost you but there is always a price for doing the right thing. It takes a REAL leader to make the tough call and correct all the wrongs in spite of its cost. Do not sweep all these things under the legal rug. Your lawyers are advising you the wrong things just to cover their miserable asses. It is just one bad advise to a bigger bad advise. Before you know it, the mistakes of your advisers will snowball into something bigger and something uncontrollable. By then, you would just wish that you fixed it now.
There is still time. Use it.